Miyerkules, Hulyo 20, 2011

Patara-tara

     Dahil sawa na akong magtago sa mga samu't saring pen names. Ako nga pala si Jusan Misolas. Isang tahimik at simpleng binata ng Naga. Kasalukuyang kumukuha ng kursong Edukasyon sa Pamantasan ng Ateneo de Naga. Fourth year college na sana ako sa susunod na pasukan kung hindi lang ako na-inlove. Ito pala ang unang beses kong magsulat ng seryosong blog, kalimitan kasi hindi ko naasikaso ang mga nasimulan ko na. Yung iba, nakakalimutan ko ang passwords.

     Masaya? Hindi ako masayang tao. Inaaamin ko yun ng tahasan. At ang lubos na sigurado ako ay "Gusto kong maging masaya." Emo daw ako dahil sa kadramahan ko. Pero wala naman talaga silang alam sa buhay ko. Hindi nila alam ang pinagdaan ko. Merong nga ba? Wala silang alam.

     Writer/poet daw ako sabi nila. Weh? Di nga. Ang siguradong alam ko lang eh nagsusulat ako. Kahit ano. Kahit anong linggwahe. Hindi naman ako masyadong pihikan sa linggwahe eh. Para sakin pantay-pantay sila. Hindi ako naniniwala sa pagkakaroon ng supreme language Kung saan ako mas kumportable dun ako. Nagsusulat ako sa Bicol, English, at Filipino.

     Hilig ko ang pagbabasa(minsan) lalo na kung inspired at ginaganahan. Hilig ko rin ang panunuod ng pirated DVDs at CDs. Ang pinakaayaw ko sa pelikula eh yung mabababaw at nonsense. Hindi ko habol ang puros tuwa at entertainment: ang hinahanap ko ay senso; kahulugan. Wala akong oras sa walang kabuluhang mga bagay(standards ko).

     Nasabi ko na nga kanina, emo ako. Wala. Umibig kase ko eh. Eh yun, nasaktan. Kaya ngayon meron paring marka sa aking pagkatao. Ganun talaga siguro. Siguro maiikikwento ko din sa mga susunod ko pang posts. Basta yun na yun. Malungkot akong tao. Period.

     PUSUANON? Ah wala yun. Nabasa ko lang sa isang libro. Isang salitang na para bagang tinatawag ako. Waring nagsasabi: "Madya!"  Halika. Namnamin mo ang panawagan upang maging isang kapwa-Pusuanon. Ngunit sa pagtugon sa panawagan na ito ramdam ko ang isang nagbabadyang hirap. Makayanan ko kaya ang landas patungo sa pagiging ganap na PUSUANON?

    Madya! Mari! Ibanan nindo ako mantang sakuyang pigtatapos an sakuyang makuring awit; an sakong halabaon na pasyon pasiring duman sa pagigin PUSUANON.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento

Mas Bagong Post Mga Lumang Post Home

Blogger Template by Blogcrowds