Hirap gumawa ng Essay
Essays. Walang akong alam sa mga pamosong essays. Wala akong alam sa mga teorya’t alituntunin sa pagsusulat. Wala akong sapat na pinag-aralan upang masabing magaling na akong manunulat. Ngayon, magsusulat lang ako. Magsusulat. Magsusulat ng magsusulat.
Emosyon. Siguro yan lang baon ko nung magsimula akong magsulat. Habang hawak ang isang lapad ng Tanduay, dahan-dahan kong pinapadugo ang aking panulat. Namangha sa natunghayan. Nakabuo na pala ako ng mga berso. Doon na siguro nagsimula ang lahat. Mula doon, nagsimula akong magsulat.
Berso. Marahil isang basag na salamin ng isang malaking kabuuhan. Isang malalim na silip kung ano ang ano. At kung bakit ang bakit. Binubuo ito ng mga nagdudugtong-dugtong na hininga na hindi kailanman man natin alam kung kailan magtatapos. Sa isang malalim na perpektibo, hindi lamang ito sinusulat sa isang papel bagkus ito’y inuukit sa ating kaluluwa.
Regalo. Yan siguro ang pagkakaintindi ng iba. Pero para saakin ito’y isang sumpa. Kakambal na siguro ito ng aking hininga. Kakambal ng aking pilit na tinatakasang nakaraan, isang limot nang nakaraan. Kung papaanong nagtatapo ang paglimot at pagbabaliktanaw sa arte ng pagsulat ng tula. Absurdo ngunit sagrado. Isang pagpupunit ng kaluluwa. Isang paglalakbay sa dalawang magkaibang dimensyon ng sabay. Minsan hindi ko na maatim, ngunit kailangan. Lahat ng ito’y nag-uugat sa isang pangangailangan.
(5-28-11)

Mag-post ng isang Komento