Sabado, Hulyo 30, 2011

Oda sa Layug-layug

I.
Kala ko sa kalayo sana
nagagadan an mga layug-layug
sa tubig, siring man palan.

II.
Dangan an saindang hawak
pagpipiyestahan kan mga sirum.

III.
Mahamis palan
an magadan.



Translation:

I.
Akala ko sa apoy lang
namamatay ang mga mariposa
sa tubig, ganun din pala.

II.
At pagkatapos ang kanilang katawan ay
pagpipiyestahan ng mga langgam.

III.
Matamis pala
ang mamatay.



7 - 30 -11

Kun Magimata Ka Asin Dai Na Ako Mahiling Pa

para ki 5a2n4s2l

Kun magimata ka asin dai na
ako mahiling pa, aram ko, na an saimong puso
tuninong na giraray malakaw siring sa saldang na masulnop
asin giraray  na masirang, an bagong pagkamoot saimo
madulok. Dai man baga minabago an uniberso,
minsan ngani ining magpundo dai man minadalagan pabalik
an oras asin an matagas na puso dai na minalumoy
giraray, dawa gurano pa kalipotok an pagkamoot.
Aram mo daw na hinapihap mo an sakong daghan,
nagsimbag saimo, nagpitik garo muro kan sarong nautsan.
Tibaad dai mo sana nasabotan, tibaad sa isip mo
gadan na an tawong ini. Ay, binayaan ta dai nasabotan
an tinanom niya man sanang kurobkutob
sa sakong daghan. Ay, tibaad
gadan na ako. Ay, tibaad!


Translation:

Kung magising ka at hindi na
ako makita pa, alam ko, na ang iyong puso ay
tahimik pa ring maglalakad gaya ng araw na lulubog
at muling sisikat, ang bagong pag-ibig saiyo'y
lalapit. Hindi naman nagbabago ang uniberso,
kahit pa nga ito'y huminto hindi naman tumatakbo pabalik
ang oras at ang matigas na puso'y hindi na lalambot
pang muli, kahit gaano pa kapuro ang pagmamahal.
Alam mo ba na dinampian mo ang aking dibdib,
sumagot sa'yo, pumitik na parang daliri ng isang walang malay.
Siguro'y hindi mo nabatid, siguro'y sa isip mo
patay na ang taong ito. Ay, iniwan dahil hindi nabatid
ang ipunla niya mismong tibok
sa aking dibdib. Ay, siguro'y
patay na ako. Ay, siguro!


*when I wrote this poem I was bothered. Bothered by that other night(7 - 28 -11). Perhaps I am dead. Perhaps that's what she meant by those words. I am dead.

7 - 30 -11

Miyerkules, Hulyo 20, 2011

Patara-tara

     Dahil sawa na akong magtago sa mga samu't saring pen names. Ako nga pala si Jusan Misolas. Isang tahimik at simpleng binata ng Naga. Kasalukuyang kumukuha ng kursong Edukasyon sa Pamantasan ng Ateneo de Naga. Fourth year college na sana ako sa susunod na pasukan kung hindi lang ako na-inlove. Ito pala ang unang beses kong magsulat ng seryosong blog, kalimitan kasi hindi ko naasikaso ang mga nasimulan ko na. Yung iba, nakakalimutan ko ang passwords.

     Masaya? Hindi ako masayang tao. Inaaamin ko yun ng tahasan. At ang lubos na sigurado ako ay "Gusto kong maging masaya." Emo daw ako dahil sa kadramahan ko. Pero wala naman talaga silang alam sa buhay ko. Hindi nila alam ang pinagdaan ko. Merong nga ba? Wala silang alam.

     Writer/poet daw ako sabi nila. Weh? Di nga. Ang siguradong alam ko lang eh nagsusulat ako. Kahit ano. Kahit anong linggwahe. Hindi naman ako masyadong pihikan sa linggwahe eh. Para sakin pantay-pantay sila. Hindi ako naniniwala sa pagkakaroon ng supreme language Kung saan ako mas kumportable dun ako. Nagsusulat ako sa Bicol, English, at Filipino.

     Hilig ko ang pagbabasa(minsan) lalo na kung inspired at ginaganahan. Hilig ko rin ang panunuod ng pirated DVDs at CDs. Ang pinakaayaw ko sa pelikula eh yung mabababaw at nonsense. Hindi ko habol ang puros tuwa at entertainment: ang hinahanap ko ay senso; kahulugan. Wala akong oras sa walang kabuluhang mga bagay(standards ko).

     Nasabi ko na nga kanina, emo ako. Wala. Umibig kase ko eh. Eh yun, nasaktan. Kaya ngayon meron paring marka sa aking pagkatao. Ganun talaga siguro. Siguro maiikikwento ko din sa mga susunod ko pang posts. Basta yun na yun. Malungkot akong tao. Period.

     PUSUANON? Ah wala yun. Nabasa ko lang sa isang libro. Isang salitang na para bagang tinatawag ako. Waring nagsasabi: "Madya!"  Halika. Namnamin mo ang panawagan upang maging isang kapwa-Pusuanon. Ngunit sa pagtugon sa panawagan na ito ramdam ko ang isang nagbabadyang hirap. Makayanan ko kaya ang landas patungo sa pagiging ganap na PUSUANON?

    Madya! Mari! Ibanan nindo ako mantang sakuyang pigtatapos an sakuyang makuring awit; an sakong halabaon na pasyon pasiring duman sa pagigin PUSUANON.

Sabado, Hulyo 16, 2011

Esperanza

para kay Apple 

Isang dahon
ang nahulog sa malamig na lupa.

Isang dahon
ang naidlip sa mainit na palad.

Isang dahon
ang humalik sa pagaspas ng hangin.

Isang dahon
ang nagpaanod sa ragasa ng baha.

Esperanza

7-16-11

Martes, Hulyo 5, 2011

Prayer of Francis Xavier

 Hindi sa langit Mong pangako sa akin
Ako naakit na Kita’y mahalin,
At hindi sa apoy, kahit anong lagim,
Ako mapipilit nginig Kang sambahin.
Naaakit ako nang Ika’y mamalas
Nakapako sa krus, hinahamakhamak.
Naaakit ng Iyong katawang may sugat
At nang tinaggap Mong kamataya’t libak.
Naaakit ako ng Iyong pag-ibig.
Kaya’t mahal Kita
Kahit walang langit, kahit walang apoy
Sa ‘Yo’y manginginig.
Huwag nang maabala upang ibigin Ka
‘Pagkat kung pag-asa’y bula lamang pala,
Walang mababago: Mahal pa rin Kita.

~ Albert Alejo SJ

Sabado, Hulyo 2, 2011

Ngayong Gabi Ako Ay Diyos

Nang gabi ring ito,
nakatabi ko ang mga diyos
sa Olympus habang pinagmamasdan ang pag-ikot
at pagbanggaan ng mga mundo, ng mga planeta’t
mga bitwin na wala nang ningning pagka’t ---

ngayong gabi ako ay diyos, walang kahit alabok
ang nakakatakas sa aking paningin. Wala nang talab
ang mga ulap, wala nang lakas upang tabingan ang liwanag

ng buwan at pagniniig ng aming diwa. Ngayong gabi
naanggkin ko ang mata ng diyos. Ngayong gabi nakita kong
magbanggaan ang dalawang mundo, natikman ang apdo

ng kanilang diyalogo, ng kanilang walang hanggang pagtutuos
natuog ako --- nakita ko kung paano lumutang sa kawalan
ang mga alabok, tila nangungusap ang kanilang sayaw, tumila --
muntik ko nang makalimutan, ngayong gabi ako ay diyos.

7 - 2 -11

Mga Mas Bagong Post Mga Lumang mga Post Home

Blogger Template by Blogcrowds