Sabado, Hulyo 30, 2011

Oda sa Layug-layug

I.
Kala ko sa kalayo sana
nagagadan an mga layug-layug
sa tubig, siring man palan.

II.
Dangan an saindang hawak
pagpipiyestahan kan mga sirum.

III.
Mahamis palan
an magadan.



Translation:

I.
Akala ko sa apoy lang
namamatay ang mga mariposa
sa tubig, ganun din pala.

II.
At pagkatapos ang kanilang katawan ay
pagpipiyestahan ng mga langgam.

III.
Matamis pala
ang mamatay.



7 - 30 -11

Kun Magimata Ka Asin Dai Na Ako Mahiling Pa

para ki 5a2n4s2l

Kun magimata ka asin dai na
ako mahiling pa, aram ko, na an saimong puso
tuninong na giraray malakaw siring sa saldang na masulnop
asin giraray  na masirang, an bagong pagkamoot saimo
madulok. Dai man baga minabago an uniberso,
minsan ngani ining magpundo dai man minadalagan pabalik
an oras asin an matagas na puso dai na minalumoy
giraray, dawa gurano pa kalipotok an pagkamoot.
Aram mo daw na hinapihap mo an sakong daghan,
nagsimbag saimo, nagpitik garo muro kan sarong nautsan.
Tibaad dai mo sana nasabotan, tibaad sa isip mo
gadan na an tawong ini. Ay, binayaan ta dai nasabotan
an tinanom niya man sanang kurobkutob
sa sakong daghan. Ay, tibaad
gadan na ako. Ay, tibaad!


Translation:

Kung magising ka at hindi na
ako makita pa, alam ko, na ang iyong puso ay
tahimik pa ring maglalakad gaya ng araw na lulubog
at muling sisikat, ang bagong pag-ibig saiyo'y
lalapit. Hindi naman nagbabago ang uniberso,
kahit pa nga ito'y huminto hindi naman tumatakbo pabalik
ang oras at ang matigas na puso'y hindi na lalambot
pang muli, kahit gaano pa kapuro ang pagmamahal.
Alam mo ba na dinampian mo ang aking dibdib,
sumagot sa'yo, pumitik na parang daliri ng isang walang malay.
Siguro'y hindi mo nabatid, siguro'y sa isip mo
patay na ang taong ito. Ay, iniwan dahil hindi nabatid
ang ipunla niya mismong tibok
sa aking dibdib. Ay, siguro'y
patay na ako. Ay, siguro!


*when I wrote this poem I was bothered. Bothered by that other night(7 - 28 -11). Perhaps I am dead. Perhaps that's what she meant by those words. I am dead.

7 - 30 -11

Miyerkules, Hulyo 20, 2011

Patara-tara

     Dahil sawa na akong magtago sa mga samu't saring pen names. Ako nga pala si Jusan Misolas. Isang tahimik at simpleng binata ng Naga. Kasalukuyang kumukuha ng kursong Edukasyon sa Pamantasan ng Ateneo de Naga. Fourth year college na sana ako sa susunod na pasukan kung hindi lang ako na-inlove. Ito pala ang unang beses kong magsulat ng seryosong blog, kalimitan kasi hindi ko naasikaso ang mga nasimulan ko na. Yung iba, nakakalimutan ko ang passwords.

     Masaya? Hindi ako masayang tao. Inaaamin ko yun ng tahasan. At ang lubos na sigurado ako ay "Gusto kong maging masaya." Emo daw ako dahil sa kadramahan ko. Pero wala naman talaga silang alam sa buhay ko. Hindi nila alam ang pinagdaan ko. Merong nga ba? Wala silang alam.

     Writer/poet daw ako sabi nila. Weh? Di nga. Ang siguradong alam ko lang eh nagsusulat ako. Kahit ano. Kahit anong linggwahe. Hindi naman ako masyadong pihikan sa linggwahe eh. Para sakin pantay-pantay sila. Hindi ako naniniwala sa pagkakaroon ng supreme language Kung saan ako mas kumportable dun ako. Nagsusulat ako sa Bicol, English, at Filipino.

     Hilig ko ang pagbabasa(minsan) lalo na kung inspired at ginaganahan. Hilig ko rin ang panunuod ng pirated DVDs at CDs. Ang pinakaayaw ko sa pelikula eh yung mabababaw at nonsense. Hindi ko habol ang puros tuwa at entertainment: ang hinahanap ko ay senso; kahulugan. Wala akong oras sa walang kabuluhang mga bagay(standards ko).

     Nasabi ko na nga kanina, emo ako. Wala. Umibig kase ko eh. Eh yun, nasaktan. Kaya ngayon meron paring marka sa aking pagkatao. Ganun talaga siguro. Siguro maiikikwento ko din sa mga susunod ko pang posts. Basta yun na yun. Malungkot akong tao. Period.

     PUSUANON? Ah wala yun. Nabasa ko lang sa isang libro. Isang salitang na para bagang tinatawag ako. Waring nagsasabi: "Madya!"  Halika. Namnamin mo ang panawagan upang maging isang kapwa-Pusuanon. Ngunit sa pagtugon sa panawagan na ito ramdam ko ang isang nagbabadyang hirap. Makayanan ko kaya ang landas patungo sa pagiging ganap na PUSUANON?

    Madya! Mari! Ibanan nindo ako mantang sakuyang pigtatapos an sakuyang makuring awit; an sakong halabaon na pasyon pasiring duman sa pagigin PUSUANON.

Sabado, Hulyo 16, 2011

Esperanza

para kay Apple 

Isang dahon
ang nahulog sa malamig na lupa.

Isang dahon
ang naidlip sa mainit na palad.

Isang dahon
ang humalik sa pagaspas ng hangin.

Isang dahon
ang nagpaanod sa ragasa ng baha.

Esperanza

7-16-11

Martes, Hulyo 5, 2011

Prayer of Francis Xavier

 Hindi sa langit Mong pangako sa akin
Ako naakit na Kita’y mahalin,
At hindi sa apoy, kahit anong lagim,
Ako mapipilit nginig Kang sambahin.
Naaakit ako nang Ika’y mamalas
Nakapako sa krus, hinahamakhamak.
Naaakit ng Iyong katawang may sugat
At nang tinaggap Mong kamataya’t libak.
Naaakit ako ng Iyong pag-ibig.
Kaya’t mahal Kita
Kahit walang langit, kahit walang apoy
Sa ‘Yo’y manginginig.
Huwag nang maabala upang ibigin Ka
‘Pagkat kung pag-asa’y bula lamang pala,
Walang mababago: Mahal pa rin Kita.

~ Albert Alejo SJ

Sabado, Hulyo 2, 2011

Ngayong Gabi Ako Ay Diyos

Nang gabi ring ito,
nakatabi ko ang mga diyos
sa Olympus habang pinagmamasdan ang pag-ikot
at pagbanggaan ng mga mundo, ng mga planeta’t
mga bitwin na wala nang ningning pagka’t ---

ngayong gabi ako ay diyos, walang kahit alabok
ang nakakatakas sa aking paningin. Wala nang talab
ang mga ulap, wala nang lakas upang tabingan ang liwanag

ng buwan at pagniniig ng aming diwa. Ngayong gabi
naanggkin ko ang mata ng diyos. Ngayong gabi nakita kong
magbanggaan ang dalawang mundo, natikman ang apdo

ng kanilang diyalogo, ng kanilang walang hanggang pagtutuos
natuog ako --- nakita ko kung paano lumutang sa kawalan
ang mga alabok, tila nangungusap ang kanilang sayaw, tumila --
muntik ko nang makalimutan, ngayong gabi ako ay diyos.

7 - 2 -11

Sabado, Hunyo 18, 2011

Kwentong Tae

            Noong unang panahon sa isang malayong kaharian na tatawagin nating Dedenucolcation, eh merong nakatirang isang bading na hari na tatawagin natin sa pangalang Poppy the faggot. Nung simula, eh tila maayos ang lahat hanggang sa dumating ang isang eskandalo na sumira sa bait ng lahat.  Kumalat ito sa mga karatig pang kaharian, kumalat ng kumalat.

            Isang gabi raw, sa di malamang rason eh nagpatawag ng isang maliit na salo-salo ang baklang hari, na tila balisa. Bago ito, inutusan niya ang kanyang alalay na mangkukulam na si Verollores na pumunta sa kulungan ng mga aso. Pagkatapos ng limang minuto eh hingal itong tumakbo pabalik sa hari. Kita sa mga linya sa kanyang noo ang labis nitong katandaan, ngunit kung makita mo man eh hindi ka maaawa. Pasan-pasan niya ang isang mahiwagang sako na puno ng tae ni Damnend the damn at ni Renny the stiff, dalawa sa pinakapaboritong aso ni King Poppy the fagot na hindi nauubusan ng supply ng dog food. Balik tayo, umalingasaw ang baho sa bawat poste ng kaharian, na kahit nga yung mga daga’t ipis eh nagsilabasan. Kita rin sa di mapintang emosyon ng mga ministro ang pagkasuka at pagkabigla, ngunit pinili na rin nilang manahimik, mahirap na baka kulamin sila ni Verollores. Isa na kasing tradisyon sa kaharian na ipakulam sa harapan ng mga tao ang sinumang lumabag sa gusto ni King Poppy the fagot. Ngunit hindi naman ganun kasama ang hari, hindi niya ito pinapapatay kay Verollores. Malimit, pinapatawan niya na lamang ito ng ekskomunikasyon tulad ng ginagawa ng mga obispo at isang huling ritwal ng kahihiyan ---- ginagawa ito sa pamamagitan ng paglagay ng isang nagbabagang marka sa noo ng ekskomunikado na may nakasaad na: I LOSE TO POPPY THE FAGOT. Balik ulit tayo sa kwento, nilagay isa-isa ni Verollores ang mga tae sa plato ng mga ministro, eh siyempre mas marami kay King Poppy, siya ang hari eh kaya ganun. Minsang malingat ang hari eh, dumadampot ng tae ang bruha na tila batang  sinisipsip ang hintuturo, sarap na sarap sa tae ng aso. Natahimik ang lahat nang tomorotot ang puwit ng hari, sinyales na simula na ang salo-salo. Habang sarap na sarap ang hari, eh nasusukang nakatingin ang mga ministro di maatim ang kababuyan(o tama bang sabihin na kaasuhan) ng hari. Nanlisik ang mata ng hari nang makitang hindi pa ginagalaw ang mga nakahain. Sabay tawa naman ng bruha habang hawak an kanyang matalim na karayom tila nanakot sa sinumang di kakain. Humalakhak ang hari nang makitang nagsimula na ang piging at ibinalitang masusundan pa ito. Inutusan nito ang kanyang tapat na troll-dinosaur na si Evautor na patugtugin ang paborito niyang kantang BABY BABY AW ni Justin Bieber. Nang matapos na ang salo-salo, eh biglang dumighay ng mabahong hangin ang hari na muntik nang nilechon ang mga ministro. Tinawag niya rin ang tapat na Evautor upang kunin ang bagong selyo ng kaharian. Hugis itong tae, at imbes na tinta eh tae ang ginagamit na stamp pad. Sa gabi din na yun idineklara ng hari ang isang kautusan: Sa lahat ng nasasakupan, sa kapangyarihang ipinagkaloob saakin ng maykapal, eh dinideklara kong tae na ang kakainin nating lahat. Ipinagbabawal ko na din ang pagtatanim ng palay at kahit ano mang katulad nito. Kung maari eh tae na din ang ipanligo at ipanglaba niyo. Mas amoy-tae mas maganda. Mas amoy-tae mas malaki ang benepisyo makukuha. Mas amoy-tae, mas mataas na posisyon sa hagdan ng lipunan. Kompulsaryo ko din kayong nirerekwayr na mag-alaga ng aso, bilang mapagkukuhanan ng tae. Singkwenta porsyento ng mga tae na inyong makokolekta eh mapupunta sa food reserve ng kaharian. Huwag din kayong mag-alala, kase linggo-linggo kaming magrarasyon ng dog food. Ang sino mang lumabag sa kautusang ito ay papatawan ng public torture by Verollores, ekskomunikasyon at ritwal ng kahihiyan. Epektibo ngayong gabi hanggang walang hanggan. King Poppy the fagot.

            Bakas sa mukha ng mga ministro ang pagkasuya at pagkasuka sa maling ikinikilos ng hari. Ngunit pigil ang kanilang mga dila. Nang pagbukas ng tarangkahan, eh panay nagsusuka ang mga ministro. Kumalat na ata ang tae sa kanilang mga ugat at dugo. Kumalat na rin ito sa kanilang mga isip. Kumalat na at bumuo ng isang malakanser na estado. Lingid sa kaalaman ni King Poppy the faggot may mga ministrong hindi kumain ng tae. Marahil sila na lamang ang hindi pa dinadapuan ng  sakit. Marahil sila na lamang ang natitirang pag-asa ng kaharian pinamumugaran ng mga tae. Ipagpapatuloy…

6 -18 -11

Mga Mas Bagong Post Mga Lumang mga Post Home

Blogger Template by Blogcrowds