Di na muling magsusulat pa ng malulungkot na tula
Di na muling magsusulat pa ng malulungkot na tula –
lalo na yung mga tipong nakakalula
yung bang nakakatunaw ng kandila
yun bang nakakapilipit pa ng dila.
“Ewan ko ba kung ba't ganito ang buhay?”
Yun, yung mga tipong ganun ba
siguro'y kelangan tigilan ko na
napapansin ko kaseng para pangmatanda na.
Try ko na rin sigurong maging makata
yun bang may ritmo't may tugma
tsaka amoy rosas na mga salita,
pero metro tiyak na walang-wala.
Pag-ibig siguro'y iiwasan ko na
nang di na bumalik ang mga limot ko na
at ang aking lililukin ang mga kaligayahan
nang di mabahiran ng mga karahasan.
Lahat na siguro'y babaguhin ko
wag na wag lang siguro ang inspirasyon ko
na sana binabasa ang obrang ito
masaya't nakangiti sa bago kong ritmo.
Kaligayahan para sa'yo o aking iniibig
nawa'y taglay mo parin ngiting kaibig-ibig
at wala nang pangamba di na 'ko mamimilit
tapos na pagdidilig tinapos ko nang pilit.
Ako'y masaya kung ika'y masaya
alam mo naman iyan din ang aking nasa,
wag lang kalilimutan na ako pari'y kaibigan
naghihintay lang dyan kung saan na iyong lapitan.
Ay, binali ang pangako na akin palang inusal
patawad sa lahat yan ang aking dasal
at kung magkaganun man na hindi ako patawarin
malulungkot na tula'y ipapatuloy ko parin.
Wala man daw saysay itong habag kong tula
na sa mga kritiko't manunula'y animo'y isang bula
dahil daw sa metapora't ayroniya'y dukhang-dukha
walang puwang sa literatura't mga pamumuna.
Pakialam ba nila, ito kaya'y aking tula
awtentikong manepistasyon ng aking mahabang dula,
ng bigong pag-ibig na pinilantik ng dila
sumasayaw, umaawit sa saliw ng diwa.
Panalangin ko O J* bugtong ay batid mo na
nang di na mabagabag ang iyong kaluluwa
unang yugto ng berso ay tinapos ko na
para sayong lubos kaligayahan at ...)***
07-22-10