Unsent Letter #1(ewan ko kung kailan ko sinulat, ang alam ko matagal na)
Patawad sa sulat. Hindi ko na kase kaya. Hindi ko na kayang magpretend. I've tried a lot of things to bury this emotion, pero hindi ko kaya. I am tired of lying. Masyado ka nang nadamay sa walang kwenta kong emosyon. I want to kill the emotion, please help me.
Musa,
Akala ko ba ang love masaya. Akala ko ang love maganda. Bakit ganito? It is like a curse tormenting my very soul. Bakit ganito? Bakit masakit? Dapat ba akong masaktan? Hindi ko na alam? Baliw na siguro ako. Dai ko talaga aram. Hindi ka naman kase kumibo. Hindi ka naman kase nagsalita. Kaya tuloy ngayon hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. When I told you that I love you I don't expect, hindi ako nagsisinungaling. Pero bakit ganito. Malay ko ba naman, I don't know love. Bigla na lang dumating. Akala ko iyon na ang sagot. Ang gamot sa kalungkutan. Akala ko masaya and it turned out na hindi pala. This love that I am having is lot worse. Para kase akong asong walang matuluyan, basang-basa, confused-i need a home which will comfort me. A master who would love me. If not you, kahit sino na pwedeng punan ang kalungkutan na di ko alam kung saan nagmula. Kahit kase minsan wala pang nagbigay nun saakin. Even my parents and friends. They often leave me sa ere. They do not accept me for who I am. Bakit ba ako nagsusulat ng ganitong sulat? Di ko alam. Nalulungkot, nalulumbay- di ko alam. Can anybody tell me?
Mahina na talaga siguro ako. Matagal ko na yung alam. Mahina ako. Hindi masaya. Malungkot. Hindi ko talaga alam. Gusto kong maging masaya. Pero kelan ba? Ano ba ang magpapasaya saken? Na kahit nga rason kung bakit ako malungkot ay hindi ko alam. My life is complicated. Can anybody dare to carry it with me?-----At sagot nila: Wala. I want to be happy. I want to be simple. I want to be normal. I want to be like anybody else. I want to command life. Kaya nga siguro hinahanaphanap ko ang aking pagkabata. Kase dun hawak ko ang lahat at tumatakbo ang lahat sa nais ko.
I am sorry to say this, sana hindi na ako umibig. Sana wala nang pag-ibig. Sana wala nang buhay. Sana wala na lang ako. Siguro mas masaya. Siguro hindi ako nagdadrama sa harap ng isang kaibigan. Hindi ko na siguro kaya. Kailangan ko na siguro ng backup. Mabigat na kase. Scholarship problems. School problems. Self-esteem. Financial. Personality. Family. Emotional problem. LOVE. Bakit ganun? Pwede bang isa-isa lang di ko na kaya. I want to deal with you all one by one. Kaya siguro hindi ko ipinagtapat, ayaw na kitang madamay.
Ano bang sekreto para maging masaya? Ano bang sekreto para maging totoong maging masaya? Pwede bang sabihin mo? Ibulong mo? Isigaw mo sa hangin? Pano ba maging masaya? Tula? Oo, nagi ako masaya sa pagsulat ng tula. Ngunit sa huli hinihingi rin saakin ng arte na hanapin ko ang kaligayahan. Ang solitude. Hanapin kung sino ako. Hanapin ang buhay. Hanapin ang kagandahan.
I must be talking crazy. Hindi mo naman siguro naiintidihan ang mga salita na aking binibigkas. Hindi mo pa naman siguro naramdaman maging malungkot na walang rason. Malungkot at hanapin kung ano ang rason na nakabaon sa kailaliman ng aking kaluluwa. Hanapin ang aking kinakatakutan. Isang nakapanglulumong nilalang. Who could love such dreadful man? Hindi mo siguro naiintidihan ang umibig. Siguro kahit papano siguro. These are all lies. Ano ba ang totoo?
Love is irrational. Love is a mystery. Love is a curse. Love is a gift. Wala na. Isang makapangyarihan na entity na pwedeng bumuo o di kaya'y sumira. Di ko kaya ang ganun. And so now, I want to throw it. I want to escape from it. But how? How can I escape from this love scenario. A stupid one-sided love, a crush, a curse, a fake emotion. Perhaps this isn't love. Baka hindi. Dahil ang pagkakaalam ko dapat masaya. Dapat dalawa ang umiibig. Dapat mutual. Dapat may pinanggagalingan. Hindi dapat kalungkutan.
Aayusin ko lang ang buhay ko. Masyado lang kase akong umasa sayo at sa iba. Kailangan ko siguro ng renovation. Find my self. Find my true happiness. Find the source of all this sadness. At lunasan ito. And you will see, I will be a new true person. And if that happens hindi na siguro ako mag-aalangan na umibig. At kung dumating man ang araw na yun una kitang hahanapin. Papasalamatan at ulit na tatanungin. Hindi na sa ganitong paraan.
I want to throw this emotion to the abyss. Gusto ko nang kalimutan na minsan sa buhay ko, ako'y umibig. Siguro masama. But I guess this is the right thing to do. I want to forget, na umasa ako. I want to forget na minsan merong isang pangalan ang nanahan sa puso ko. Na nag-inspire saken para maging masaya. Kill me. With you're words and all these emotions will be gone. I do not want you to be part of this mess. Ayaw na kitang madamay sa komplikadong kong pag-iisip. Ayaw ko nang madamay pa ang kahit sino sa lahat na problema at kalungkutan. Masaya ka na. Kontento na ako dun. You're safe and comfortable with all your friends. Masaya na ako nun.
So give me the judgement. Say the words you dared not to speak. Sabihin mo ang hindi mo nasabi noon. Utter the words na papatay sa emosyon na hindi mabinyagan. Kill the love. Please kill the love. Please put to end the flow of verse. At dun lang ako mahihimlay at mapapanatag. From then, I will not anymore be a lover. Doon lang ako babalik sa normal. Para hanapin kung sino ako. Kill the emotion before it eventually kills me. I beg. I kneel upon the muse of art. Patayin mo na ang pag-ibig at dun ko lang maisisigaw ang huling berso ng aking tula.
TANDAAN MO LANG NA MINSAN SA BUHAY MO MERONG ISANG LALAKIng TAPAT AT WAGAS NA UMIBIG SAYO AT WALANG HANGGANG IIBIG SAYO. KAHIT NA NGA HINDI MO PA ITO ALAM. AT KAHIT PA HINDI NA ITO MABUBUO PA. DAHIL KAILANMAN ANG PAG-IBIG AY HINDI NAGWAWAKAS, KITILIN MAN ITO NG MGA SALITA O NG PAGKAKATAON. ITO AY SISIBOL AT SISIBOL PA RIN SA TAMANG PANAHON.
I LOVE YOU, GOODBYE.
Kaligayahan,
-Jusan
Mag-post ng isang Komento