Huwebes, Disyembre 2, 2010

Hindi Na Sapat Ang Ilusyon

 (-para kay Sigmund)

Wala nang talab
ang bawat indayog
ng mga sagradong kamay.

Wala nang alab
ang mga kandila
na hinihihipan ng malaunos
na pagkadalita.

Naghihimulmol na
ang sotana, napupunit na
ng sinag ang dati'y makakapal
na kurtina na kinulayan na ng alabok.

Wala nang bisa
ang mga matatandang dasal
bagkus hinahalina na
ang mga maligno't aswang.

Maikli na
ang manto, lumaki na
ang birhen dahil sa malimit na
pag-iyak ng kisame.

Namamaos na
ang maladiyos na tinig
na nabarahan na ng nikotin at tar.

Inaamag na
ang ostiya, luray-luray na
ang corpus, mainam nang irasyon
sa matatandang deboto.

Inaanay na ang krus,
kumakalas na ang mga pako
mula sa mga banal na sugat,
kumakalat na ang tetano.

Pinapasok na
ng kiti-kiti ang agwa bendita.
Nililimak na
ng mga heganteng lamok
ang mga deboto.

Sabay bulong ng sakristan
sa namamanghang pari:


“Father, hindi na sapat
ang ilusyon.”


12-2-10

Huwebes, Setyembre 30, 2010

K-Mismo

Napiyok
si turaok
kan texas ming manok –

nagbaratokan
si mga ayam

nagkurutatan
si mga manok ming ataman.

09-30-10

Sabado, Agosto 21, 2010

Emperador

Nadakop ni mama su saray kong Emperador
na nakasuksok sa ruruskat kong durabox.

Makulog.

Dai niya man ngani ako piglatob
siring dai man pigbanog.

Giraray,
makulog.

Ta dai man lang kaya siya
nagdangog. Garo ako nabungog.

Giraray,
biyong makulog.

Dai niya man lamang kaya
pigdangog su mga urog-udog,
kan mga nakaaging bangguing:

maliwanagon na marhay an bulan.


08-21-10

Huwebes, Hulyo 22, 2010

Di na muling magsusulat pa ng malulungkot na tula

Di na muling magsusulat pa ng malulungkot na tula –
lalo na yung mga tipong nakakalula
yung bang nakakatunaw ng kandila
yun bang nakakapilipit pa ng dila.

“Ewan ko ba kung ba't ganito ang buhay?”
Yun, yung mga tipong ganun ba
siguro'y kelangan tigilan ko na
napapansin ko kaseng para pangmatanda na.

Try ko na rin sigurong maging makata
yun bang may ritmo't may tugma
tsaka amoy rosas na mga salita,
pero metro tiyak na walang-wala.

Pag-ibig siguro'y iiwasan ko na
nang di na bumalik ang mga limot ko na
at ang aking lililukin ang mga kaligayahan
nang di mabahiran ng mga karahasan.

Lahat na siguro'y babaguhin ko
wag na wag lang siguro ang inspirasyon ko
na sana binabasa ang obrang ito
masaya't nakangiti sa bago kong ritmo.

Kaligayahan para sa'yo o aking iniibig
nawa'y taglay mo parin ngiting kaibig-ibig
at wala nang pangamba di na 'ko mamimilit
tapos na pagdidilig tinapos ko nang pilit.

Ako'y masaya kung ika'y masaya
alam mo naman iyan din ang aking nasa,
wag lang kalilimutan na ako pari'y kaibigan
naghihintay lang dyan kung saan na iyong lapitan.

Ay, binali ang pangako na akin palang inusal
patawad sa lahat yan ang aking dasal
at kung magkaganun man na hindi ako patawarin
malulungkot na tula'y ipapatuloy ko parin.

Wala man daw saysay itong habag kong tula
na sa mga kritiko't manunula'y animo'y isang bula
dahil daw sa metapora't ayroniya'y dukhang-dukha
walang puwang sa literatura't mga pamumuna.






Pakialam ba nila, ito kaya'y aking tula
awtentikong manepistasyon ng aking mahabang dula,
ng bigong pag-ibig na pinilantik ng dila
sumasayaw, umaawit sa saliw ng diwa.

Panalangin ko O J* bugtong ay batid mo na
nang di na mabagabag ang iyong kaluluwa
unang yugto ng berso ay tinapos ko na
para sayong lubos kaligayahan at ...)***



07-22-10

Huwebes, Hulyo 15, 2010

Santol

Mayo na nin hamis
an tulang
na sakong ugom
sa laog nin anom na oras.

Sa kada segundong
minaagi, biyong nag-iisog an pait
na pirit nagwawarak hasta
sa kapuru-puruhi kan sakong ngabil –

pighahamil an sakong daghan
nin mga dai mga mauntok na pangiturugan
mantang pigpapano an sakong payo
nin nagsusurupay na rekwerdo
nin dai matapus-tapos na agi-agi.

Sabot ko,
uminabot na an panahon,

kaipuhan nang iluwa
an tulang
bago pa man halunon kaini
an mga huring kurubkutob
asin simuton an natatadang hamis
sa sakong ngabil. –

giraray hilom,
an huring paglaom na ini
giraray matambo,
ipapadagos an hamis
na minsan ihineras kaini sako.


7-15-10

Miyerkules, Hulyo 14, 2010

Unsent Letter #2(kelan ko ba to sinulat, ang alam ko matagal na)

ugar: Classroom

Araw: Mayo 13, 2010, katatapos pa lang ng EDSA 3. Napatalsik na si Gloria dahil sa napatunayanang nagpaparetoke siya ng balat niya. Ibinalik bilang Chief Justice si Reynato Puno sa request ng Santo Papa. At sa di inaasahang pangyayari nanalong Presidente si Bro. Eddie Villanueva. Bigla daw kaseng sumabog ang mga PCOS machine habang bumoboto ang ibang mga presidentiables. Sa kasalukuyan puno pa rin ng tensyon ang lahat. Kalat pa rin sa maraming lugar ang mga gradya't pulis ayun na rin sa utos ng bagong appoint na Defense Secretary na si Edna San Buenaventura.


Flashback...(Weird Highschool Memories)

(Nagising si Jusan sa isang klasrum. Puno pa nang muta ang mata niya dala na marahil ng ilang linggong pagka-emo. At sa kanyang pagkabigla tumambad sa kanya ang isang pamilyar na mukha- isang magandang dalaga.)

Jusan: Have I met you before?

Woman: --

Jusan: Pasensya ka na, kanonood ko pa lang kase ng 500 days of Summer. Medyo depressed pa ako sa mga nangyari. Biruin mo...(humagulgol) That movie was indeed insane.

Woman: --

Jusan: Indeed, "Nothing is meant to be." Such a gruesome movie. I hate watching that movie.

Woman: --


JUsan: To be honest, have I met you before? Para kasing hindi pa na oo. I am quite confused. Oh your Jessica C***o, right? Such a heavenly name. Sana yan na lang ang pangalan ko. Just kidding.

Woman: But--how come you know my name?

(Silence.)


Jusan: How can I forget your name? Your my high school crush. And I'm no other than your stalker, remember?

Woman: Huh?

Jusan: I am the guy who always frown whenever you him. That fat ugly guy. Remember?

Woman: Huh? I don't even know you. And if you don't stop I'll call the guard right in front of that window.

(JUsan, so much amazed of the guard guarding the stained window.)

Jusan: Window? Hey, I am Jusan. Hindi mo talaga ko natatandaan? What's the matter with this cazy world? Haaaaahhh!

Woman: Security! Help! Security!

(At sa isang iglap, isang alingangaw ng putok. Biglang nawala ang duguang bangkay ng di namukaang lalaki. Na sinasabing naging abo matapos humandusay sa sahig. Nakita sa pinangyarihan ng insidente ang isang sulat na may nakasaad na: "Thank God, wala na. Nabura at nabago ko nang lahat ang nakaraan. I really do hope that you are happy.")

Siguro ang pinaka brutal na akda na nagawa ko. SCI-FI na may pagka-EWAN. Pero sa kwentong ito I am succesful kahit dedo na ako. Kun pwede lang sanang ganun.


Can you give me the universal remote control for me to undone all that has been done and said? Can you give me the time machine to go back to past and stop myself to love you? Wala naman siguro noon sa Pilipinas o sa Earth. Wala pa sigurong nagagawang bagay na ganun na nakakapabalik sa tao ng kanyang nakaraan at baguhin kung kinakailangan para hindi na dumanas ng pait at pagdadalamhati. Baka sa HollyWood, meron. Mabilihan mo kaya ko nun?

Can I just unsaid all the revelations I have said to you last April 21, 2010? Pwede bang hindi na ako umamin at pabayaang nakatago ang mga emosyon na bumuhay at pumatay saakin ng higit kumulang anim na taon? Pwede bang hindi na lang ako isinilang sa mundo? Pwede bang nabading na lang ako simula't sapul na ako'y ipinanganak? Pwede bang mabundol na lang ako ng trak at baka sakaling malimutan ko an mga alaala na kita'y unang nakita? O pinutulan ng ulo ng mga Abu Sayaff? O nakasama sa 9/11? O nasama sa Maguindanao massacre? Iiyakan ba nila ako? Iiyak ka kaya? Rest in Peace to them. Pwede ba yun?

Pwede daw na sa Camhigh na lang ako nag-highschool para dae ta ka na nahiling asin nakakalase? Pwede daw na bako nalang ako ang beadle kaidtong 1st year ako, tanganing dae ko na natandaan an saimong halabang pangaran? Pwede bang naadik na lang ako ng elementary ako at para hindi ako nakapasok sa Ateneo? Pwede daw na haloy na akong nagadan asin kalag na sana an nagsusurat kan surat na ini dai na nagtuturo an sakuyang luha ngunian? Pwede daw?

Aba, malay ko!

Kung nauutusan sana ang Diyos na baguhin ang lahat na nagyari matagal na akong lumuhod sa kanyang harapan at hiniling na baguhin o hindi kaya'y ibalik ang lahat. At sabay hingin sa kanya ang aking kamatayan(wag naman, bata pa ang kapatid ko!). Sino nga ba ako para utusan Siya. Wala. Isang malabong tuldok. Hangin. Alabok. Parte ng kanyang walang hanggang uniberso na binuo gamit ng punyal na walang hanggang pag-ibig. Pag-ibig, meron ba nun?

Kung nauutusan sana ang makapangyarihang oras na ibalik ang isang umiibig sa kanyang nakaaran at baguhin at wasakin ang pag-ibig na mitsa ng kanyang pagdadalamhati. Matagal ko nang ginawa. Dapat sana'y hindi ako makata. Dapat sana hindi ako nagsusulat. Dapat sana hindi ko naranasa na kahit sa isang sandali na ako'y masaya. Dapat sana hindi ganito ang tinatahak kong landas. Wala sana an mga konsepto ng arte, musa, tula at makata. Wala sanang pag-ibig na naninirahan sa aking puso. Dae kuta ako namomoot. Hindi sana ako kahit papano nakakatawa. Hahaha. Totoong mapanlinlang ang kapalaran. Mapaglaro sa mga seryoso sa laro ng buhay. Mapaglaro sa mga tawong umiibig. Destiny is indeed irrational. In short, hindi masakyan ng isip lalong lalo na ng puso. Nakakasira ng ulo. Nakakapunit ng puso. Sa huli, nasa ating mga kamay ang manibela. Kanan lang at Kaliwa. Bawal ang umikot pabalik.

Pwede daw na dae ta ka na lang namotan? Pwede daw na dai ta ka nahiling kan enot na ralaogan kan taon 2004 sa mismong room na ako naogma-LG 1M213? Pwede daw na hindi ko na nasilayan an iyong mala-anghel na tawa? Ang iyong mala-anghel na kayumihan at kahinhinan? Ang iyong nakakabinging katahimikan? Pwede bang hindi na kita tinitigan nung nagche-check ako ng attendance. Pwede bang hindi na kita nakausap ng ika'y naging co-scriptwriter ko sa paggawa natin ng play sa korido ng Ibong Adarna? Pwede bang hindi mo na ako pinagaya sa math problems natin noon. Pwede ba yun? Marahil limot mo na. Pero ako hindi pa. Hinding hinde. Pwede ba yun? hehe.

Baka, pero wala na akong magagawa. Ala eh, done is done!

Na sana ay pinakinggan ko ang iyong mga kwento na sabik mong ibinabahagi saakin tungkol sa iyong pagkakatanda saakin noong grade 3 tayo. Na gwapo ako at magaling kumanta[Joke!Dai ka magsuka. pls. hehe]At sabi mo pa nga ay lumipat ka sa Central 1 nang ika'y grade 4 sa di ko malamang rason. Akala mo hindi ako nakikinig(akala mo lang yun), an totoo, oo. Di mo lang alam kun paano ako kasabik na muling yakapin ang aking iniwang pagkabata? Na sa kahit anong pilit ay hindi lubusang mabitawan. Ang alam ko masaya, bakas sayong mga mata. Pilit ko lang tinago ang aking pagkagalak, nahihiya kase ako. Baka anong isipin ng mga kaklase. Na bakla ako. Na kesyo mahina ako.

Gusto ko pa kase noon maglaro. Alam mo na transition period. Diko nga maintindihan kung bakit ako naging malulungkutin at masungit ng 1st year. Na kung titignan bully at pasaway ako ng elementary.

Siguro ako'y nalunod sa hiya, sa yabang, culture-shock at pagkaisip-bata. Di mo lang alam kung paano ko iyon hinahanap-hanap. Ang mga memoryang parang limot ko na, tungkol sa aking pagkabata. Na inanod na nang lumbay, limot ko na. Para bang ikaw ang isa sa may hawak ng susi ng aking pagkabata(keeper of keys, parang napanood ko na yun hah!). Na huli na, bago ko napansin. Kung maibabalik ko lang nakaraan, sana nasagot mo ang aking milyon-milyong mga tanong sa kung anong histura ko noon, kung makulit ba ako o kahit anong tanda mo(ayus na yun). Sana naging masaya akong dala-dala ang mga iyong mga kwento- tawa, talon at mumunting sigaw na kailan man ay hindi ko na maririnig. I'm shy kse eh! Hehehe. Baka nasagot mo ang lahat ng yun sa loob ng isang school year. Di lang siguro ako makatiyempo. Nahihiya ako. Hinde ako sanay na may kausap na babae- torpe.

Siguro nagkamali lang ako nang 1st year nang napansin ko ang lumbay sa likod ng iyong mga tawa. Naghahanap lang siguro ako ng kajamming sa boredom. Para ba kaseng may kulang saiyo. Para bang nangungulila ka sa isang tao. Ang tahimik mo kase. Para ka kaseng may problema. Akala ko tuloy pareho tayo. Hindi pala. Hindi siguro. Nagkamali lang siguro ako. Dahil sa likod nang lumbay at pagkatahimik ikaw ay matatag. Hindi ka sumuko at nagi kang mahinahon, masaya. Kahit nga hindi ka nagrerecite kahit na anong pilit kong pilitin ka. MASAYA AT NAKATAWA at hanep sa Math at ihahabol ko na rin-maganda sa picture este personal haha, yun siguro ang kina-iinggit ko sa iyo at kinahahanga na rin("indeed this girl is awesome, silent but terrible, haha"). Para bang ayus lang. Wa-epek ang mga trials. Nagmana ka siguro sa nanay mo(sino nga ba sya?hehe).Kaya siguro idol kita. You reflect the happy days of my childhood. Ito siguro ang humila saakin papunta sayo.

At samantalang ako naman nagmumukmok, minsan masaya at minsan naman malungkot(turik!). Inaalala ang iniwang pagkabata. Napuno ng insecurities dahil iniwan ng mga kalaro. Kunwaring linutas ang mga problema sa mga patawa asin pagyayabang. Pagmememorya ng mga anayin na libro(eeww!). Emo. Weird. Killjoy. Wala lang, biglang sumuko. Natulog sa library. Nagmumok sa gilid ng chapel. Ginawang hobby ang pagsisimba(hobby?). Naging masungit. Galit sa mundo. May sariling gobyerno(sabi ni Odessa). Hahaha. Hindi nakakatawa, di katulad ngayon. Mabuti na lang nandiyan an mga kabarkada kong sina Yago, Namia, Aquino, Albis, Jovito-ffippp! at iba pa. Tanda mo pa ba si ma'am Lianne na laging sumisigaw ng: "Mr. Misolas what are you doing?!!!". O di kaya si Mr. Segu-Segundong Talsik-laway sa Religion 1. Hahahaha. O si Sir Vasil "20 hours post!" I missed the fun. Finally si Sir Bingbong na kung nagagalit sumisigaw: "Shit you there!, kun habo nindo akong magderedemonyo magtutol kamo!!!" sabay tapon ng durog-durog na chalk. Tanda ko pa kun pano nakakatakot ang mukha niya ganun din siya kabait. Hahaha. Indeed, those happy memories keep me living. The best ang LG 1M213! Dapat in-enjoy ko pang lalo. As I can remember, I was called "Bidol" then. Hahaha.


Boring ba ang aking mga salita, nakakatakot, nakakatawa, weirdo, nakakapanindig-balahibo, nakakaiyak o di kaya'y nakakadiri? Iyan na siguro an dahilan kun bakit hindi ko sinabi ang aking nararamdaman noong highschool at 4th year(nakakasuka na ni, ako baya talaga ni). Alam kong masaya ka na. Ayaw na kitang madamay sa aking ka-emohan at kalumbayan. Ayaw na kitang madamay sa aking kalungkutan at pag-iisa. Ayaw na kitang madamay sa komplikado kong pag-iisip at kalituhan. Masaya ako kung masaya ka. Natutuwa ako kapag marami kang kaibigan. Natutuwa ako dahil nandiyan parati sina Jamellah, Vianney at Dorothy na handang gabayan ka. By the way, kumusta na kayo? Si Vianney lang nakaka-Chat ko sa FB, I admit she's the best love guru ever. Masaya na ako doon. Maribok ka na, risa man. And it means you're happy. You're great!

Marahil malaki na ang pinagbago ko simula ng College. Kahit na nga watak-watak na kami nina Rey, Angelo, Carl at Robert ayus man. Mas maraming kaibigan. Mas maraming bagong karanasan. Mas malaking mundong ginagalawan. Mas maraming bagay na natutuhan. Hindi na ako emo ngayon. Nakakatawa na. Dulot na siguro ng pagiging SA sa Library. Biruin mo writer na ako ngayon. Nagsusulat ng mga malalalim ng tula sa pag-ibig at buhay- na kung babasahin ay hindi ko rin maintindaihan. Namimilosopiya. Biruin mo yun, nagdedevelop na ako. Hindi na rin ako baluga. Mas mayabang na rin ako ngayon. Hindi na ako tahimik. Pero marami pa ring problema. Hahaha. Ganyan lang siguro talaga ang buhay. In short, mas masaya. At hindi ko maitatangging isa ka sa mga dahilan noon. You are the reason.


Bakit nga ba ako nagsusulat ng ganito ka-weirdong sulat. Nasisiraan na siguro ako ng bait. O baka ngayon lang siguro ako nagkalakas ng loob. O baka disperado lang talaga. Ayoko ko kasing tapusin ang sulat ko sa simpleng message sa Facebook na napilitan lang dahil sa isang nagtitrip na tao na tinype ko lang nga gamit ng CP(nakakapagod kaya yun.) Sorry, if I am wordy ganun talaga. I want my letter to be at least sychronized, symbolic but light. Pilit kong pinagaan ang mga salita. Ayokong mabigatan ka. Ayokong umiyak ka. O sige aamin na ako, "this feeling is making me sick!" Dae ko aram kun tano basta magabaton para sako. Akala ko it is easy pero bako palan.I am not asking for a yes, bacause I know it is impossible. I can't ask. And that's a bitter fact. Sabi mo nga wala kang masabi. I accept that. I do not demand for any return. Your don't need to accept it. Nandun na yun. I have already given it.

You've inspired me, yun na yun. Thanks. You keep me leaving for 5 years. Thanks. This crazy feeling made me a writer. Thanks. You've made me a better person, better than I can think of. Thanks. I am just sad na mayo man lamang akong mairibay sa gabos na tabang mo. I think it is unfair lalo na dae mo aram na inlove ako saimo asin nainspire mo ako grabe-grabe. I can be your slave if you want, but pls. with salary. Dae ko man lamang masuklian an gabos. Na kahit 10000000 Billion Thank You, dae kayang matumbasan. Ang kaya ko lang mamotan ka. Pero naghehesitate pa ako, ta dae ko pa kayang itao an sadiri ko. Ta kun itatao ko man an bilog kong sadiri gusto ko "perfect asin marahay na ini". Lalo na kun itatao ko ini sa arog mo kaperpekto.

And if ever makasulat na ako ng mga libro,
surely i will be giving you the manuscript, symbol that you are my muse. Hahahaha. At kung makita mo ko sa campus if ever na hindi na ako mag-aral sa Manila, sampalin mo naman ako ng pinakamalakas mo diyan. Baka doon matauhan si Jusan Misolas na wala talaga siyang kapaapag-asa kay Jessica Ca**o. As in, wala. Just keep in mind na hinde ako stalker, obsessed or whatever scary creature, I am just a lover. Hahaha.
But if you are that kind as I thought of you, reply on this letter your response, comment, suggestion and clarification, kahit inis na inis ka na saken. Please write the stories of our childhood. It would be a relief. Your sadness. Kung inis ka na, write it. Write the most painful words if you need to. If you don't wanna expect any letter like this, please say. I will endure all of it. Kung natatakot ka na sa kinikilos ko and you do not to see me again, magtatago ako. Please be frank. I admit you're a bit vauge in your words. Matipid sa salita. But I'm not forcing you of a reply. You can burn this letter.


Wag mo lang akong iisnabin gaya ng ginawa ko. NormaL kahit hinde. Lagi mo lang tatandaan na kung may manakit o mantrip sayo isumbong mo lang saakin at kami na ng grupo ko ang bahala sa kanya. Magdasal na siya. O kung may kailangan ka kahit ano, just call my name este text me: 09088712216.Hahahaha.


From a friend
and a Lover.



-Bidol_ben

Unsent Letter #1(ewan ko kung kailan ko sinulat, ang alam ko matagal na)

Patawad sa sulat. Hindi ko na kase kaya. Hindi ko na kayang magpretend. I've tried a lot of things to bury this emotion, pero hindi ko kaya. I am tired of lying. Masyado ka nang nadamay sa walang kwenta kong emosyon. I want to kill the emotion, please help me.


Musa,

Akala ko ba ang love masaya. Akala ko ang love maganda. Bakit ganito? It is like a curse tormenting my very soul. Bakit ganito? Bakit masakit? Dapat ba akong masaktan? Hindi ko na alam? Baliw na siguro ako. Dai ko talaga aram. Hindi ka naman kase kumibo. Hindi ka naman kase nagsalita. Kaya tuloy ngayon hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. When I told you that I love you I don't expect, hindi ako nagsisinungaling. Pero bakit ganito. Malay ko ba naman, I don't know love. Bigla na lang dumating. Akala ko iyon na ang sagot. Ang gamot sa kalungkutan. Akala ko masaya and it turned out na hindi pala. This love that I am having is lot worse. Para kase akong asong walang matuluyan, basang-basa, confused-i need a home which will comfort me. A master who would love me. If not you, kahit sino na pwedeng punan ang kalungkutan na di ko alam kung saan nagmula. Kahit kase minsan wala pang nagbigay nun saakin. Even my parents and friends. They often leave me sa ere. They do not accept me for who I am. Bakit ba ako nagsusulat ng ganitong sulat? Di ko alam. Nalulungkot, nalulumbay- di ko alam. Can anybody tell me?

Mahina na talaga siguro ako. Matagal ko na yung alam. Mahina ako. Hindi masaya. Malungkot. Hindi ko talaga alam. Gusto kong maging masaya. Pero kelan ba? Ano ba ang magpapasaya saken? Na kahit nga rason kung bakit ako malungkot ay hindi ko alam. My life is complicated. Can anybody dare to carry it with me?-----At sagot nila: Wala. I want to be happy. I want to be simple. I want to be normal. I want to be like anybody else. I want to command life. Kaya nga siguro hinahanaphanap ko ang aking pagkabata. Kase dun hawak ko ang lahat at tumatakbo ang lahat sa nais ko.

I am sorry to say this, sana hindi na ako umibig. Sana wala nang pag-ibig. Sana wala nang buhay. Sana wala na lang ako. Siguro mas masaya. Siguro hindi ako nagdadrama sa harap ng isang kaibigan. Hindi ko na siguro kaya. Kailangan ko na siguro ng backup. Mabigat na kase. Scholarship problems. School problems. Self-esteem. Financial. Personality. Family. Emotional problem. LOVE. Bakit ganun? Pwede bang isa-isa lang di ko na kaya. I want to deal with you all one by one. Kaya siguro hindi ko ipinagtapat, ayaw na kitang madamay.

Ano bang sekreto para maging masaya? Ano bang sekreto para maging totoong maging masaya? Pwede bang sabihin mo? Ibulong mo? Isigaw mo sa hangin? Pano ba maging masaya? Tula? Oo, nagi ako masaya sa pagsulat ng tula. Ngunit sa huli hinihingi rin saakin ng arte na hanapin ko ang kaligayahan. Ang solitude. Hanapin kung sino ako. Hanapin ang buhay. Hanapin ang kagandahan.

I must be talking crazy. Hindi mo naman siguro naiintidihan ang mga salita na aking binibigkas. Hindi mo pa naman siguro naramdaman maging malungkot na walang rason. Malungkot at hanapin kung ano ang rason na nakabaon sa kailaliman ng aking kaluluwa. Hanapin ang aking kinakatakutan. Isang nakapanglulumong nilalang. Who could love such dreadful man? Hindi mo siguro naiintidihan ang umibig. Siguro kahit papano siguro. These are all lies. Ano ba ang totoo?

Love is irrational. Love is a mystery. Love is a curse. Love is a gift. Wala na. Isang makapangyarihan na entity na pwedeng bumuo o di kaya'y sumira. Di ko kaya ang ganun. And so now, I want to throw it. I want to escape from it. But how? How can I escape from this love scenario. A stupid one-sided love, a crush, a curse, a fake emotion. Perhaps this isn't love. Baka hindi. Dahil ang pagkakaalam ko dapat masaya. Dapat dalawa ang umiibig. Dapat mutual. Dapat may pinanggagalingan. Hindi dapat kalungkutan.

Aayusin ko lang ang buhay ko. Masyado lang kase akong umasa sayo at sa iba. Kailangan ko siguro ng renovation. Find my self. Find my true happiness. Find the source of all this sadness. At lunasan ito. And you will see, I will be a new true person. And if that happens hindi na siguro ako mag-aalangan na umibig. At kung dumating man ang araw na yun una kitang hahanapin. Papasalamatan at ulit na tatanungin. Hindi na sa ganitong paraan.


I want to throw this emotion to the abyss. Gusto ko nang kalimutan na minsan sa buhay ko, ako'y umibig. Siguro masama. But I guess this is the right thing to do. I want to forget, na umasa ako. I want to forget na minsan merong isang pangalan ang nanahan sa puso ko. Na nag-inspire saken para maging masaya. Kill me. With you're words and all these emotions will be gone. I do not want you to be part of this mess. Ayaw na kitang madamay sa komplikadong kong pag-iisip. Ayaw ko nang madamay pa ang kahit sino sa lahat na problema at kalungkutan. Masaya ka na. Kontento na ako dun. You're safe and comfortable with all your friends. Masaya na ako nun.

So give me the judgement. Say the words you dared not to speak. Sabihin mo ang hindi mo nasabi noon. Utter the words na papatay sa emosyon na hindi mabinyagan. Kill the love. Please kill the love. Please put to end the flow of verse. At dun lang ako mahihimlay at mapapanatag. From then, I will not anymore be a lover. Doon lang ako babalik sa normal. Para hanapin kung sino ako. Kill the emotion before it eventually kills me. I beg. I kneel upon the muse of art. Patayin mo na ang pag-ibig at dun ko lang maisisigaw ang huling berso ng aking tula.

TANDAAN MO LANG NA MINSAN SA BUHAY MO MERONG ISANG LALAKIng TAPAT AT WAGAS NA UMIBIG SAYO AT WALANG HANGGANG IIBIG SAYO. KAHIT NA NGA HINDI MO PA ITO ALAM. AT KAHIT PA HINDI NA ITO MABUBUO PA. DAHIL KAILANMAN ANG PAG-IBIG AY HINDI NAGWAWAKAS, KITILIN MAN ITO NG MGA SALITA O NG PAGKAKATAON. ITO AY SISIBOL AT SISIBOL PA RIN SA TAMANG PANAHON.


I LOVE YOU, GOODBYE.


Kaligayahan,
-Jusan

Lunes, Hulyo 12, 2010

kay Sisyphus

pareho nating ginapos
ang kamatayan
sa ating mga palad,

at ngayon - kailanma'y
wala nang lilisan.



*unknown date

Miyerkules, Hulyo 7, 2010

(Errata:)

Nasala ako. Pirmi man. Bako ka palan itong aking sadit na dai pigtitino kan ako saday pa man. Ika man kaya sarasambit kana kan mga huring-huding nimo manunugod duman. Sorry ta namotan taka. Ay!, sala. Dai dapat. Turik talaga ko. Hamal talagang manghuhula 'to ta pighambugan ako. Putik! sayang kan si baynte. Sayang kan su mga hibi, nabubo kuta su mga halang na paroy kan bakasyon. Dae kuta nagadan. Nabubo lugod su mga notebook ko. Mari, hilnga ta biyo an pigbunga. Makangirhat nganing basahon. Dai kana. Sayang kan si pagkamoot. Nagkatuturubrag baga sa daga. Dai mo man sana namati.

Sorry ta pigraot ko su mga kagingking kan kudal nindo. In fairness, pusog dai lamang ko nakalaog. Mayong dudang maorag an naggibo. Kumusta mo na sana ko saiya. Mapagibo man kuta ko. Nasain na baya siya? Ay, dai na daw sana, mayo akong aram sa istorya. Sorry sa gabos. Turog na. Ta ako mahali na. Isasara ko na an tata. Mayo na an mga kikik. Nag-ontok na. Mayo nang tamong an bulan, pighali ko na. Pagmati ko kaya kakaipuhanon ko na. Dai na naghihibi an mga bituon, pigpatahan ko na. Mayo nang gira an daga, pigpa-bulldozer ko na. Mayo na siguro akong lalawgon na maipahihiling tanganing magluhod sa atubang mo asin hagadon an dipisil na kapatawadan. Puros tataramon man sana baga ako kaidto pa. Tataramon. Duros.

(ki ano)

7-7-10

Linggo, Hulyo 4, 2010

Oda sa nawarang pagkamoot...

Ngunian na banggi, pirit kong pigpapasarumsom
sa rawitdawit na ini an mga memorya asin pagmati
na dai ko aram kun gadan na o naghahalat-halat sanang
mapurisaw, mga pagmati na dai pa sana naghahaloy
daing ontok na pigbatok an nagtotorogtorog kong kalag
asin piglamos an sakong pagmansay nin mga luha
na dawa ako dai aram kun sain nagharali asin kun sain mapasiring,
kun papanong sa mga bangging idto biglang nagsilyab
an bulan asin natamongan nin dai masayod na kamunduan
asin kun papano an mga bituon garo ako pighiling
hale sa harayo, dai ontok na pigtangisan. Muya ko nang magadan
kun aram mo lang, ipaatong an sakong hawak sa mamundong
sulog kan salog kaibahan kan pagmati kong dai mabunyagan
o kun dai italbong sa nagagaratak nang daga sa kaumahan.
Habo ta ka nang kamotan siring na habo ko na, asin kun
tano ako naghabo, iyo ta namomotan ta ka nin orog
sa sakong buhay, asin dawa pa habo ko na pirit man giraray
pigkukurubkutob kan sakong daghan an daing sagkod na
pagkamoot ko saimo. Haen na baya an mga bangging idto
na pirit kong piglingawan? Asin ta daw nagimata na sana
akong mayo na an silyab kan bulan? Ta daw pirit pang pighahanap
an mga pagmati na kaidto ngani muya ko nang paanodon
sa mamundong sulog kan salog, garo sarong bangungot na
muya ko nang dulagan? Nasain na baya an lanit na dara
kan pagkapungaw ko saimo? Nasain na baya an kamunduan
na sakong nagin kaolayaw mantang ika sakong kinamotan?
Ta daw ngunian pirit kong pang pigkakalot asin pigrururip an
pagkamoot na minsan ngani pirit kong nang pigpaanod asin pigtalbong
sa kawaran? Nasain na daw an mga luha asin hibion na nagpapabilog
sa dai ko matapos-tapos na rawitdawit? Baad pigpalid na kan
duros sa harayong lugar tanganing dai ko na mahiling o pigkaon na
kan sarong dakulang aliwowos asin pigdara sa kairaroman kan dagat o
pighalon na kan daga o pig-ikit kan sarong masusuyaon na diyos na pagal
nang magdangog kan sakong mga hibi. Dai man lugod sinda
sala sa paggibo ninda kaidto, dai man lugod sinda magbasol
sa bandang huri. Pangadyi ko lang na dai na mag-abot an aldaw
na magtakig an daga, luguson kan dagat an baybayon, mabua
an paros, asin magaba an kalangitan. Habo ko nang may maraot pa.
Habo ko nang may makol'gan pa. Kontento na ako na sa laog
nin halawig na panahon namotan ta ka. Asin nunca dai ako nagbabasol
na naglaog ka sa sakong buhay, dawa duros man ngani sana.



Mayo na daw talaga an pagkamoot
sa sakong daghan na minsan nagsumpay sa sakong buhay asin nagpatud
man sana kaini?

Dai ko na dapat ini pighahapot pa, tibaad
mayo na talaga.

Lugod lingaw ko na. Lugod...

...dai pa.



6-4-10


*Oda: sarong awit bakong sarong porma nin rawitdawit..

Biyernes, Hunyo 18, 2010

Bulalakaw

(kay Gaea, una at huli)

Ako ang bitwin na namatay -
kinain ng sarili kong kapangahasan
at karup'kan na nagsilbing mitsa
ng aking sariling pagkawasak.

Ako na rin ang kalawakan
na sinagi ng iyong dagliang paglisan -
parang malamig na hangin na sumampal
sa tuog kong mga pisngi.

Ako na rin ang langit
na numamnam sa lahat ng kirot at hapdi -
parang isang punyal na tumagos
at unti-unting pumunit sa aking kalamnan.

Ako na rin ang mga mata
na nakatingala sa kalangitan
na dagliang nakasilay sa iyong walang
katumbas na karik'tan -
kahit sa huling iglap man lang -
napawi ang lahat ng luha.

At sa huli, ako pa rin ang tigang na lupa
na sasalo sa mga suntok ng pangungulila
at iiwanan ng isang marka - alaala
ng isang nakaraang pag-ibig.

06-18-10

Huwebes, Mayo 13, 2010

Misteryo: Huring Berso

(-para sa kapahingaloan kan aldaw na
binutasan ko an patod na tamsi. Para sa
aldaw na rinatak kan pararawitdawit an pagkamoot
asin kagadanan. Para sa sakong musa. Para sa
aldaw kan saiyang pagkawara.)


Kun papano ko naisurat
an rawitdawit na ini,
iyan sarong misteryo
na maski nuarin dai ko masabotan.

Kun pano ako nagimata-
nagbukaras hale sa higdaan,
kinua an panurat asin pinunan
isurat an mga berso
na dawa ako, nagduduwa
kun sain naghali asin
kun sain mapasiring.

Kun papano sa sarong iglap
nasabotan an ko an
an mga kurobkotob kan
sakuyang daghan- minsan ngani
marikas, sako ining naisurat
sa paagi nin mga tataramon
na dawa ako, dai mamidbiran.

Kun papanong sa aldaw
na idto, enot kong nahiling
an mga dai nahihiling- poon
sa tawong lipod, bakunawa,
aniningal, diyos nin tukawan,
kristyanong tupa asin mga
mga linalang na dawa sa mahulyas
na pangatorogan dai ko pa nadukhayan.

Kun papano kaini pigpurisaw
an turog kong kalag mientras
nahiling an nagsisilyab na kawit
ni kamatayan. Silyab na nagpapadagos
sakong magdalagan mantang pighihimo
asin pigtatais an sakong mga tataramon
na sa maabot na panahon sakong
isasagang asin ikakalaban sa
daing ontok na alisngaw kan
paaboton na kagadanan.

Kun papano ko hinanap
an kaogmahan sa tahaw kan
dai masayod na absurdidad- poon
enot kong pagdupa sa mga gapong igwang
lawog, pagtalbong sa mga aniningal,
sa pag-uran nin gapo, pagtakig kan
daga, pag-isog kan gabos, asin
daing ontok na rimpos
nin katibaadan mantang kugos
an paros na haloy ko nang dai nahihiling.

Kun papano ko pinirit na
ikurit an lawog kan Kaglalang
asin nadangog an kurahaw niyang
orog kahalangkaw- sarong
misteryo na dai magugumlo,
maikukurit asin maisusurat.

Kun papano ko kinaon
an batag na nagpanamit sako
kan sakrot nin totoong pagkamoot
na dawa anong pirit dai na mapapara,
arog kan pagrata kan putol na ikog
kan tabili minsan ngani naumay
mawalat man giraray nin gira na sa
daing kasagkoran saiyang dadarahon.

Asin kun papano ko tataposon
an rawitdawit na ini- giraray
sarong misteryo dawa nuarin
dai ko masasabotan, an aram ko
sana dara-darahon ko sa daing
kasagkoran an gira na saimong
winalat minsan pa ngani pigratak
asin binutasan ko na ini- an huring
tamsi na minasumpay sa sako saimo.

Iyo ini an aldaw na sakong
raratakon an mga berso- hilnga
an pagrata kan sakong mga tataramon,
matea an pagal kong panurat asin dangoga
pagpundo kan mga kurobkutob kan sakong
daghan minsan ika an dahilan siring
ika man an kataposan. Hilnga ta kinukugos na
ninda daga, hilnga ta bako nang
luha an minabulos sa sakong mata- kundi
mga tataramon na padikitdikit nang
minasuway sa kublit kan pararawitdawit.

Oh musa, hilnga ta an pararawitdawit
mayo na- kinaon na kan daga mantang
pigkukurahaw an himno kan saimong pagkawara
asin ngunian kaolayaw an mga ulod na
minahinghing sa saiya- pigbabareta an
paaboton na paros asin dai na
maikurahaw an saimong ngaran-
ta an pararawitdawit nagadan asin
sa apatnapulong aldaw, giraray
na mabungakaras- kapot an
saiyang panurat na patos nin dugo.





05-13-10

Lunes, Mayo 10, 2010

Reyna

Kinaon ko si pon,
dai si hade natanyog.

Kinaon ko si bishop,
napangisi dangan
siya nagpamisa .

Kinaon ko si knight,
nagkulog su saiyang buot
asin nagpainom.

Kinaon ko si tower,
napano nin pagduwa-duwa -
nagtakig na siya.

Kinaon ko si Reyna,
mayo, tuog na siya-
ako na an gana.

5-10-10

Horophorop kan sarong Turik sa Chicharon

Chicharong baboy,
minsan pighahapot ko
an sakong sadiri:

Papano daw pignanamitan
kan talinga
an simong siram?

5-10-10

Pangadyi

Iyo,

halat lang...

dae.


mga simbag ko
sa tawong nagduduwa-duwa
kun turog baya talaga an Diyos.

5-10-10

Linggo, Mayo 9, 2010

Dae muna ako makasurat rawitdawit...

Kadakol nag-abot kadakol nawara. Pagkamoot. Kamunduan. Kogmahan. Pilosopiya. Pag-adal. Dawa ano na sana? Kaipuhan ko man sigurong magpahingalo. Dinaguso pa lang ako nin sarong unos. Asin hanggang ngunian, nagkakapa-kapa pa sa diklom. Trademark ko na garo yan, Mr. Complicated o Mr. Turik. Risa man baga sa mga rawitdawit ko. Grabe kadiklom grabe kabrutal.

Kaipuhan ko pa munang hanapon an sadiri ko. Mahorop-horop. Manamit nin bag-ong ekperiyensya. Kukuguson an uniberson. Asin kukuguson an kublit. Hahanapon an sakuyang kaogmahan asin solitude. Siguro duman sana ko maiheheras an totoong serbe kan mga rawitdawit. Lalo pa na naaraman ko na dakulaon palan an obligasyon tang mga poet sa society. I must fix first my self before I can do such.

Dai ako madulag dawa na ngani depressed ako sa pagkamoot. Dakol lang talaga siguro akong nanodan sa experience ko. Tabangan man lugod ako kan Kaglalang. Tabangan lugod nindo ako. Tabang man lugod ako kan sakong musa.

5-9-10

Sabado, Mayo 8, 2010

Tawong Lipod

Tabi,
apo.

An totoo
nahihiling ko sinda,

Tabi,
apo.

tinugon sana kaya
sako kan sakong ama
na likayan sinda.


05-08-10

Miyerkules, Mayo 5, 2010

Tuyaw kan panurat.

Dai ko pa kayang magtula. Dai ko pa kayang mahiling an saindong mga lawog na pano nin pagduduwa, kun ano an magayon asin makanos. kun an rawitdawit daw buhay sa puso, o gadan hale sa karaw nin ribong na alintak. Dangoga an berso katood, na paulit-ulit na pigtutula kan saimong daghan. Asin ika mauungis sa saindang pinagigibohan. Hilnga an lawog kan saimong kataid. Asin mahihiling an haloy mo nang dai nahihiling.


5-5-10

Biyernes, Abril 23, 2010

Saimo

Hilnga
kun
papano
an

pagrugon
kan
sakong
mga
berso.

Kun
papano
piglalaag
an
mga
pagmate
sa
mga
haralipot
na
tataramon. Kun
papano
ko
pinapano
nin
kahulugan
an
duwa
o
sarong
letra.
Ta

puon
kan
aldaw
na
idto

pig-aantisiparan
ko
naman
an
paglapiga kan sakong pagal nang panurat.

4-23-10

Lunes, Abril 19, 2010

Elehiya kan Aking Palatakot

Ama!,

hale sa mga tinao ninda
sakong hirog:

sa payo, kamot,
bitis asin tulak,

tuminambo
an mga alang
na awot,

na nagkawsa
nin dae masayod
na pagtakig
kan saindang mga kalag.


4-19-10

Sabado, Abril 17, 2010

Mayong Pigmamangno an Saldang

mayo siyang pakiaram sa
sa maski ano paman,

sa batok kan mga ayam
sa tugraik kan orig sa tangkal
sa naghahalhal nang damulag
sa mga nagrararatang mga gamgam
sa mga nagrurulutaw na sira
sa pagruluwasan kan mga halas
sa buwayang nagin nang gapo
sa pag-atake nin mga sirum sa kaharongan

sa aking nakairihi sa higdaan
sa naghihinagdan na gurang
sa parainom na inaatake nin helang
sa ansudon na parapadyak
sa panos na biyo an pagsangaw

sa pagbulos nin daing labing ganot
sa mga nahahalang na halanohan
sa mga nagdudurugong kublit
sa dae masayod na pagtakig
sa pagsuka nin dugo
sa paglagapak nin payo sa salog

sa mga nag-iirinoman na nauli sa taragaan
sa mga nagchuchungki kun saen dyan
sa mga dae pa tapos mag-anohan
sa mga dae pa napapatorog
sa mga durog pa an ulunan habo pang butasan

sa mababaatang kasilyasan
sa daeng ontok tigab kan gripo sa sakduhan
sa dae matapos-tapos na tinampo
sa linintian nang dam

sa naggagaratak na daga
sa mga nalalapang umahan
na mga nasusulong kadlagan
sa mga naating kadagatan
sa mga nagtutugang bulkan
sa makukusog na pakol kan duros
sa daeng ontok na pagbulos kan uran
sa pagrumpag kan mga darakulang gapo

sa kaogmahan
sa kamurawayan
sa katotoohan
sa katikapohan
sa kasalan
sa kagadanan
sa rimpos nin dae masukol na katibaadan

sa saiyang kaglalang

ta an saldang ginibo
tanganing magsirang sa sirangan
dangan magsulnop sa sulnopan.

3-29-10/ 4-17-10

Sabado, Abril 10, 2010

An Samong Kakanon Sa Aro-aldaw

Sa sarong dakulang harong, nagkakarakan
an sarong pamilya, pigbabarangaan
an sarong dakulang litson asin mga matatabang karpa.

Mantang sa saindang pamitisan, naghahalat an mga ataman
na ikos, piggigirokan an mga saindang mga tabay, pighahalat
an mga pagragrag o kun dae, pagtoron kan mga tulang asin dugi.

Dangan an mga sirum na kolor pula nagmamartsa na
pasakat sa lamesa, naghahanda nang simoton an mga
natadang mga ngima na dae pa natatrapohan kan mga katabang,
na nagsasarama pa sanang magkakan sa kusina, pigtitios
arahiton an mga tadang laman sa litson asin pirit na pigsususop
an tagok kam mga tadang payo kan karpang dae nahiro. Nagraralanab an

saindang mga ngabil mantang nagtitilamtilam. Pigpapasalamatan
an Diyos sa kaitasan mantang piggigiromdom an saindang mga aki na
winalat sana sa kataid na harong, na dae sigurado kun nakakarakan naman.

Dae naghaloy, nagribok na an kulungan dakulang senyales na kaipuhan linoan
an mga plato asin tiponon an mga tulang asin dugi dangan ibahog sa naglalaway
nang ayam, na biyo ang pagoorag mientras nadangog su bagting kan kaldero.

Dae naghaloy, nagbatok giraray su ayam, mati na kan katabang na yaon na su kapay gurang,
na kada odto yaon tanganing maglimos nin tadang kakanon. Suya na nagluwas
an nasirong katabang, kinua an tadang tulang sa bahugan dangan pinatoron sa kapay na gurang.


04-10-10

Martes, Marso 23, 2010

Oda ni Judas sa Sarong Kristyanong Tupa

pigtataram niya daa
an uniberso

pig-aawit an
mga kansyon nin buhay

asin pigpapahiling
an mga dae nahihiling
kan mga butang, arog ta.

Siya sarong eskriba
hale sa langit

musa nin arte,
sa saiyang toong kamot an karaba
nin daeng labing kamurawayan

siya an kordero,
Diyos na nanitawo.

Kahambugan-

ta siya sarong pariseo
pigkukurit an mga
surat nin sarong heretiko,

ta maski nuarin
an hawak asin an kalag saro

asin an mga tataramon
kugos an kublit na
saiyang pinaghahalean.

3-23-10

Miyerkules, Marso 10, 2010

Imprenta

Pinaparolyo
ang bote ng C2
sa aking mga palad-
waring ginagaya ang
kumpas ng pagaspas
ng mga sanga ng Acasia
na sumasayaw sa indayog ng hangin-
sinasariwa ang mga memorya
ng walang hanggang kalagayan ni Sisyphus.


3-10-10 

Biyernes, Marso 5, 2010

Unknown? #1

arog kan pagwalat
kan ngipon
nin pulang
sirum
sa tabay
nin sarong parapadyak
mantang siya nagpipidal –

kinagaw.




3-5-10

Lunes, Marso 1, 2010

History Class

sa isang lumang klasrum
nagbabadya
ang tunog
ng isang sirang
eletricfan–

nanlalamig ang
kamay ng propesor,
walang patid
ang pagpunas
ng malagripong pawis.

Bumabalik ang mga memorya –
ang mga alingawngaw ng putok,
walang patid na sigaw
na sinasaliwan
ng mga hagupit ng latigo at
tunog ng hinihilang kadena.

Sa isang iglap nilamon
ng katahimikan ang lahat,
nahinto ang propesor–
takot na tinititigan ang mga labi
ng kanyang mga estudyante–
natutulog.

3-1-10

Huwebes, Pebrero 25, 2010

Obra

Pinorbaran kong ikurit an lawog ni Kagurangnan,
pero maski anong pirit, iba an sakuyang nahahaman.

An nahihimo ko, iyo an sakuyang lawog,
itum na buhok, mga matang turuhok,
baralud na ngabil na pano pagkatakot.

Pinorbaran kong ikurit an lawog ni Kagurangnan,
pero maski anong pirit, iba an sakuyang nahahaman.

An nahihimo ko iyo an sakuyang lawog,
an sakuyang dungo, pirok, kiray,talinga,
nakaduko, nagkukurahaw na dae ko taposon an obra.


02-25-10

Kun minasulnop na an saldang

minaisog an gabos na bagay,

an danaw
an salog
an paros
an daga
an kalayo
an mga gapo
an mga baybay
an mga bulkan
an mga kahoy
an mga sirum
an mga halas
an mga burubuaya
an mga ulod
an mga rebulto
an mga tawo

ta kun banggi
pigdudurog kan Diyos an saldang.


02-25-10

Miyerkules, Pebrero 10, 2010

Pila kan Enot na Pagkamoot

Naputol su ikog
kan
tabili,


naipitkaya
sabisagrakanpintuan.


N
a
r
a
t
a
sa
salog.


Biyo an
pag-ikol. S i n u s u s o g an
may kagsadiri.

Dae na naghaloy
naotsan ini.

Nag-urom su tabili,
naghibi, igwang pigmumuya-muya
sa paros.

Pagkabanggi, naggibo ako
nin hararom na kalot, dangan
luhay-luhay na inilubong su ikog.

Makalihis an semana
nakahiling ako nin tabili,
igwa nin pila an ikog.

2-10-10

Lunes, Pebrero 8, 2010

Salingoy

-para sa kapahingaloan kan aldaw na napatud an tamsi:August 6, 2009
Kan sarong aldaw, kinapotan
mo an sakuyang abaga.

Dae ako nagsalingoy
ta aram kong
ika idto.

Minate ko na lang an himbong
kan saimong mga muro, mantang
ini nagwawarak, sa bilog
kong hawak.

Natuog ako
sa sakuyang kinamumugtakan, pirit
na pinupugol an daeng untok na
paglatob kan sakuyang daghan.

Minamate an
ganot na minaturo, hale
sa sakuyang liog.

Dinadangog an
himno, na binibilog
kan sakuyang hinangos.

Sa sakuyang pagsalingoy
nahiling ko an saldang na
pasulnop, hatod-hatod

an malipot na duros na
naghapiyap sa sakuyang lawog.



2-08-10

Biyernes, Enero 29, 2010

Nag-uuran nin Gapo

tuminasok, ruminurubrub
mga gapo, sa kublit
liminatub.

lanit, girabo
an daghan
biyong nagtutubtub.

natatakot, naghahapot
pagduduwa-duwa
an kapot-kapot

sinasayud, mga ngaran
mantang linalatigo
nin uran.

nagtatakig an
daga, uminaskad
an salog na dakula.

"ina, uya an
s'imong aki!"

"aki, uya an
s'imong ina!"

kugusa man
ta biyong
nagtatakig,

ta an paros
mayo na, uminuli
na sa langit.


1-29-10

Linggo, Enero 3, 2010

Close Open

close...
open..

itinukdo ninda
sakong kuguson
an duros,

close...
open...

asin kun
nuarin
bubutasan ini.

1-3-10

Kawit

hale sa
sarong
malaen na
pangiturugan.

nahimatang akong
bagol
an intero
kong mga kamot.

pinutol
daa
ni kamatayan
an mga ini
habang
dinudulagan ko
an saiyang matarom
na kawit.

asin sa sakuyang
pagbungkaras
hale sa higdaan
kapot ko
an sakuyang
panurat na
patos nin dugo.

1-3-10

Mga Mas Bagong Post Mga Lumang mga Post Home

Blogger Template by Blogcrowds