Sabado, Agosto 13, 2011

Manika

Pilit pinapagana
ng mga pasong baterya
na napulot doon sa may bakuran

ng aking pagkabata. Sabi ni itay
tigilan ko na.

Na kahit anong taktak
ko raw, ay wala na-ng
ma-ititibok pa ang lasog nitong

mga piyesa. Tumulo na daw
ang dugo nito sa lupa.

unknown date

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento

Mga Lumang Post Home

Blogger Template by Blogcrowds